SEC nagbabala ‘wag mag-invest sa Lodi Coin

SEC nagbabala ‘wag mag-invest sa Lodi Coin

September 30, 2022 @ 6:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Securities and Exchange Commission sa publiko na huwag mag-invest sa Lodi Coin, isang virtual currency na pinasikat sa social media.

Ayon sa SEC ngayong Biyernes, Setyembre 30, kulang sa nararapat na lisensya ang Lodi Coins ng Lodi Technologies Inc. katulad ng order of registration ng securities and certificate of permit mula sa ahensya.

Ito ang kailangan ng mga kompanya upang makapagbenta ng ‘securities.’

“While Lodi Technologies was registered with the SEC as a corporation, it does not have the necessary license and authority to offer investments to the public,” anang SEC.

“Hence, the public is advised not to invest or stop investing in Lodi Coins and Lodi Technologies Incorporated’s investment-taking scheme who operate without the necessary licenses and/or authority,” dagdag pa nito.

Matatandaan na kamakailan ay naging matunog ang Lodi Coin na ipinapakilala sa social media na di-umano ay magbibigay ng halos 10 beses ng halagang ininvest dito.

Ang investment package ng Lodi Coin ay naglalaro sa P12,500 hanggang P500,000 pesos. RNT/JGC