Sec. Pangandaman sa Kongreso: PD-DBM bigyang-tiyansa na linisin

Sec. Pangandaman sa Kongreso: PD-DBM bigyang-tiyansa na linisin

August 26, 2022 @ 4:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakiusap si Department of Budget and Management (PS-DBM), Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Kamara na bigyan sila ng pagkakataon na linisin ang PS-DBM na kasalukuyang nasasangkot sa kontrobersiya.

Sa budget briefing sa Kongreso,tinanong ni  House of Representatives, AAMBIS-OWA party-list Representative Lex Anthony Colada si Pangandaman kung umaayon  siya  sa panukalang buwagin ang  PS-DBM.

Muli kasi ay nasa “spotlight” ngayon ang  PS-DBM dahil napuna ang nangyaring procurement o pagbili  ng laptops para sa Department of Education (DepEd) na ginamit para sa implementasyon ng  distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nadawit din ang procurement agency sa di umano’y iregularidad na nakapalibot sa pagbili ng  face masks, face shields, at iba pang pandemic supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corp. noong taong 2020.

“Of course, I will defer to the wisdom of the Congress if they wish to really abolish PS-DBM. Let me just state that during the time when I was with Secretary [Benjamin] Diokno in 2017 to 2019, one of the benefits of the PS-DBM is actually the savings the government incurred during that time which is worth P18 billion,” ayon kay Pangandaman.

“I think, if we give the chance to PS-DBM and if we clean the process of procurement in the PS-DBM, maybe we can go back to its old glory,” dagdag na pahayag nito.

Si Pangandman ay nagsilbi bilang undersecretary noong panahon ni Secretary Benjamin E. Diokno  mula 2016 hanggang 2019. Kris Jose