Sec. Roque, dadalo sa cabinet meeting mamayang hapon

Sec. Roque, dadalo sa cabinet meeting mamayang hapon

October 8, 2018 @ 2:29 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Dadalo sa cabinet meeting mamayang hapon si Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go na hindi pa nakararating sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghahain ng isang linggong leave of absence ni Sec. Roque.

Para naman kay Executive Secretary Salvador Medialdea na wala pa siyang natatanggap na letter of leave mula kay Roque.

READ: Big announcement ni Sec. Roque, naudlot

Magugunitang,  hayagang sinabi ni Sec. Roque na hindi na siya karapat-dapat na maging tagapagsalita ni Pangulong Duterte matapos hindi malaman na nagpa- check up sa Cardinal Santos Medical Center ang punong ehekutibo noong nakaraang linggo.

Hindi pa nagtatagal ang isyung ito ay sinabi ni Sec. Roque na nasa Davao ang Pangulo noong Sabado samantalang nagbakasyon ito Hong Hong kasama ang kanyang pamilya. (Kris Jose)