Sec. Roque, hindi naniniwalang mamamatay na si Pangulong Duterte

Sec. Roque, hindi naniniwalang mamamatay na si Pangulong Duterte

October 5, 2018 @ 7:37 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi naniniwala si Presidential spokesperson Harry Roque na mamamatay na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kung naglaan man ng isang oras ang Pangulong Duterte sa Cardinal Santos Medical Center at sumailalim sa diagnostic examination ay hindi naman aniya nangangahulugan na malubha ang kalusugan nito.

Sa press briefing sa New Executive Building (NEB) ay ipinakita ni Sec. Roque ang isang video clip kung saan nagsasalita si Pangulong Duterte sa ‘Dinner with the Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAAI) Malacañang, Palace kung saan ay kitang-kita na malakas ito.

“Hindi naman po siguro no, kasi kaya ko nga po pinakita yung video para ipakita po na malakas si Presidente. Pero ang sabi naman niya kahapon, name a 73 year old na walang karamdaman. So kung meron man siyang karamdaman, he thinks it’s not out of the ordinary. And again uulitin ko po dahil nanggaling na nga sa bibig ni Presidente hindi po para itago ng Presidente sa taong bayan,” ayon kay Sec. Roque.

Bukod sa nasabing event ay pinangunahan din ng Chief Executive ang Joint AFP-PNP Command Conference Malacañang, Palace kung saan ay Close-in only ito.

Sa kabilang dako, kung palagi mang nababanggit ng pangalan ang sakit na cancer sa kanyang mga speeches ay hindi naman nangangahulugan na mayroon ito.

“Endoscopy is what he underwent. And I think endoscopy was recommended from his own words ha, in the general staff command conference, because they wanted just to be sure that there was a growth, and they wanted to know more about the growth. So I think that’s the context of why he said if it’s cancer, it’s cancer. But as I said, the result of the examination whether or not it could be made public will depend on what they find out. If it’s not serious they have no right to inquire into it, if it is serious he will be compelled to share it with the nation,” paliwanag ni Sec. Roque.

Sa nagsasabi naman na hindi normal na sumailalim ang Pangulo sa endoscopy kada ikatlong linggo ay sinabi ni Sec. Roque na bahala ang Pangulo na magbigay linaw sa usaping ito lalo pa’t  may mga private information aniya ang isinasapubliko naman nito.

At sa tanong kung may tumor ang Pangulo ay sinabi ni Sec. Roque na hindi niya alam.

“Pero may tiningnan na sa upper, sa endoscopy. As I said, beyond what he has said he is still entitled to privacy in this matter. I do not know. If I am still here next week then I will tell him perhaps we need to issue a medical bulletin whether or not it’s serious,” aniya pa rin.

Sinabi pa rin niya na tatanungin niya ang Pangulo kung dapat na iharap sa media ang kanyang doktor dahil iyon lamang aniya ang paraan upang matigil na ang usapin ukol sa kalusugan ng Chief Executive.

“It is a serious concern, we hope it’s because the nation’s concerned. But as I assure you as a lawyer, he knows what the Constitution says. If it’s a serious illness, he will inform the nation,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Kris Jose)