Sec. Roque, inakusahan ang opisyal ng LTO-Central Visayas ng pangingikil

Sec. Roque, inakusahan ang opisyal ng LTO-Central Visayas ng pangingikil

September 22, 2020 @ 7:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inakusahan  ni Presidential spokesperson Harry Roque ang isang opisyal ng  Land Transportation Office (LTO) sa  Central Visayas ng pangingikil mula sa mga motorcycle distributors.

Ani Sec. Roque, ang di umano’y extortion activities ni LTO-7 Regional Director Victor Caindec ay may kaugnay sa pag-proseso ng certificates of registration ng sasakyan.

“I have affidavits to prove po na kinikikilan niya iyong mga motorcycle distributors, and this is a matter of public document already, nang hindi po pumayag na mas mataas iyong kikil na ibibigay sa kanya, saka po siya nagkaroon ng kung anu-anong hadlang,” ayon kay Sec. Roque.

Dagdag pa ni Sec. Roque, binanggit na niya ang bagay na ito kay LTO chief Edgar Galvante, kung saan agad na pinayagan ng ahensiya ang mga vehicle owner na mag-proseso ng  registration sa labas ng Cebu.

Nauna rito, binalaan ng Malakanyang ang isang opisyal ng Land Transportation Office sa Visayas na mag-“shape up” sa gitna ng alegasyong kurapsyon laban sa kanya.

Sinabi ni Sec. Roque na inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang public official na makakatakas hangga’t hindi mapapanagot kaugnay sa alegasyong ipinupukol sa kanya.

“Zero corruption ang Presidente and huwag kang magkamali na gawin iyong mga ginawa ng ibang mga opisyal na hindi daw ako nagsasalita sa ngalan ng Presidente pagdating sa kurapsyon. Tingnan po natin. I will bring the matter up now to the top leadership,” aniya pa rin.

Napaulat na may mga anomaliya kaugnay sa release ng motorcycle plates mula sa LTO, nang matalakay ang naturang isyu sa press briefing sa Cagayan de Oro City.

Magugunitang, naantala ang pagpapatupad sa kontrobersiyal na “doble plaka” law para sa mga motorsiklo na nilagdaan noon pang March 2019 dahil sa late delivery ng mga supplies.

Samantala, pinabulaanan naman ni Caindec alegasyon ng  korapsyon laban sa kanya.

Isa lamang aniya itong smear campaign. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...