Sec. Villar, kinalampag ni Pangulong Duterte

Sec. Villar, kinalampag ni Pangulong Duterte

July 7, 2018 @ 9:26 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Tinawagan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar na agad na tugunan ang  di umano’y isyu ng korapsyon at katiwalian sa ilang tauhan ng kanyang departamento.

Sinabi ng Pangulo, kasalanan ng mga taong sangkot sa  graft and corruption kung bakit hindi makaahon ang ekonomiya kahit na sagana ito sa likas na yaman.

Mahihirapan aniya talaga ang bansa na umangat kung laganap pa rin ang katiwalian kahit sino pang presidente ang maupo sa puwesto.

Tinukoy nito ang delikadong sistema ng bidding na sinusunod ng pamahalaan kung saan mas pinapaboran daw ang mga lowest bidder.

Kaya nga, maraming proyekto ng gobyerno ang naiiwang nakatiwangwang dahil ang nanalong bidder ay laway lamang daw ang puhunan kaya naman sa oras na simulan ang proyekto ay halos wala itong equipments at mga tauhan na siyang tatapos dito.

Aniya, maaaring kasuhan ang pamahalaan kung may mga maaksidente dahil sa mga nakabukas na mga manhole at kanal. (Kris Jose)