Sec. Villar suportado ang kampanya vs korapsyon

Sec. Villar suportado ang kampanya vs korapsyon

October 29, 2020 @ 10:25 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Mark Villar na susuportahan nito ang kampanya laban sa korupsyon sa gobyerno.

Ito ay kasunod nang bagong kautosan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice na pangunahan ang imbestigasyon sa mga alegaayon ng katiwalian sa pamahalaan.

Sinabi ng kalihim na sa kanilang ahensya ay may ginagawa na ring internal investigation at kanyang   tinututukan dahil sa mga akusasyon ng katiwalian partikular umano sa mga project engineers at contractors.

Aminado naman si Villar na magiging hamon pa rin sa DPWH kung papaano mapapabuti ang serbisyo bagamat tiwala pa rin sa kanya ang pangulo.

Nagbabala ang kalihim  sa mga tiwaling opisyal at kawani na sila ay mapapanagot sa batas dahil hindi aniy “for show” ang pagsisiyasat ng task force ng DPWH.

Inaasahan na rin aniya na may mga tao ng DPWH na masususpinde o mapapatawan ng floating status, depende sa kalalabasan ng imbestigasyon ng task force ng ahensya at base sa mga ebidensya.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...