Second booster shot sa general public, ikasa – solon

Second booster shot sa general public, ikasa – solon

June 20, 2022 @ 10:10 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ni Iloilo Representative Janette Garin ang pagbibigay na ng second COVID-19 booster shots sa general public sa harap na rin ng naitatalang mga bagong infections.

Ayon kay Garin ang depinisyon ng “fully immunized ay dapat nakatanggap na ng primary serues at dalawang booster doses.

“The Delta and Omicron variants of Covid-19, as well as other subvariants, have changed the definition of “fully immunized”, waning and inadequate protection from the primary vaccination series are the reasons why there are breakthrough infections” ani Garin.

Sinabi ni Garin na dating kalihim ng DEpartment of Health na sa ipinapakitang behavior ng Covid virus ay kinakailangan pa sa hianaharap ang ikatlong dise.

“Walang overdose sa bakuna. Kailangan maintindihan ito ng taong bayan.Kailangan lang natin ng mga tamang tao at eksperto na mag-explain ng vaccination sa ating mga kababayan para maalis ang mga agam-agam at takot” ani Garin.

Sa datos ng National Vaccination Operations Center mula nitonhg June 17 ay 70,005,247 o 77.78 percent ang fully vaccinated.

Una nang ipinaliwanag ni Vaccine expert Dr. Nina Gloriani na nawawala ang bisa ng covid vaccine kaya naman kailangan ang booster shots bilang dagdag proteksyon. Gail Mendoza