Second sem classes ng UP inusod sa Marso

Second sem classes ng UP inusod sa Marso

November 27, 2020 @ 6:15 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniusod sa Marso ang second semester sa University of the Philippines (UP) na magsisimula sa March 1 hanggang January 18 .

 “Alam naman natin, nagkaroon ng bagyo, may nahihirapan sa internet access at may mga hindi maka-cope,” saad ni UP Vice President for Public Affairs Elena Pernia sa panayam sa Dobol B sa News TV.

“After due deliberation on the situation of faculty and students in the wake of the typhoons and in the spirit of balancing divergent positions and interests of faculty and students in the wider context of Philippine higher education,” saad sa memorandum na inisyu ng UP Office of the Vice President for Academic Affairs.

Magsisimula ang second semester simula sa March 1, 2021 habang ang  reading/wellness break ay sa April 29 hanggang May 5.

Nakatakda naman ang Final Exams mula sa June 14 hanggang 19, 2021.

“[This new schedule is] in light of the postponement of the submission of  grades and the time needed to prepare the course guides, study guides and curated references and resource materials and distribute  to students,” lahad pa sa memo.

Maaalalang nauna ritong ipinatupad ng unibersidad ang ‘no fail policy’. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...