Secret cops ipakakalat ng NCRPO sa holiday season

Secret cops ipakakalat ng NCRPO sa holiday season

December 5, 2022 @ 2:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng secret cops, o mga pulis na hindi naka-uniporme sa paparating na Christmas season.

Ito ang sinabi NCRPO Deputy Regional Director for Operations Brig. Gen. Jack Wanky nitong Lunes, Disyembre 5 kung saan sa pamamagitan nito ay mas matitiyak ang kapayapaan at kaayusan sa dagsa ng mga tao sa nalalapit na Pasko.

Inaasahan na iikot sa mga shopping mall at iba pang mataong lugar ang mga undercover personnel at mga uniformed officers.

“Mayroon tayo mga ‘sikreta’ tawag natin doon… They are in coordination sa mga mall natin. They are strategically stationed sa mga areas,” ayon sa NCRPO.

“We are not letting our guards down. Siyempre mag-e-enjoy din ng Pasko itong mga pulis natin. But we manage in such a way na di mababakante ang mga areas na dapat nakikita kapulisan natin. Hinati-hati natin schedule… so they can be given days to spend with their family,” dagdag nito. RNT/JGC