Secretary Roque, ibinuking ang dahilan ng pag-ako sa misencounter sa Samar

Secretary Roque, ibinuking ang dahilan ng pag-ako sa misencounter sa Samar

July 1, 2018 @ 1:41 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – “It’s to end the blame game.”

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang dahilan kung bakit inako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang responsibilidad sa “misencounter” sa pagitan ng pulis at militar sa Samar.

 

“Spoken like a true leader, the buck stops with him,” ayon kay Sec. Roque.

 

Isa aniyang “unfortunate incident” ito na hindi na dapat pang maulit.

 

Kaugnay nito, asahan na aniya ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan AFP at PNP sa mga susunod pang ground combat operations.

 

Sa ulat, hindi matanggap ng mga pamilya ng ilang nasawi sa Samar “misencounter” ang sinapit ng kanilang mga kaanak.

 

“Hindi namin ma-accept na misencounter [dahil] para sa amin ambush po iyon,” ani Jun Escalo, kapatid ni PO1 Julie Escalo.

 

Kabilang si Julie sa mga nasawi sa nangyaring misencounter umano sa pagitan ng pulisya at militar sa Sta. Rita, Samar kamakailan.

 

“Huwag daw kaming magtanim ng sama ng loob pero hindi namin kayang gawin ‘yon,” saad naman ni Rachel Reyes, asawa ni PO1 Rowell Reyes.

 

Giit naman ni Pangulong Duterte, hindi aniya sinasadya ang insidente na ikinasawi ng anim na pulis.

 

“Sabi ko sa kanila, kalimutan na lang ninyo tutal hindi naman sinasadya. Kayong mga pulis, ako ‘yong pinaka-commander ninyo, pati ‘yong kayo mga army, ako rin…let’s just say that it’s all my fault,” anang Pangulo.

 

May nakikita naman na posibleng paglabag sa standard operating procedure ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nangyaring insidente. (Kris Jose)