DESTAB PLOT: Secretary Roque, pinanindigang may sabwatang Simbahang Katolika at CPP-NPA

DESTAB PLOT: Secretary Roque, pinanindigang may sabwatang Simbahang Katolika at CPP-NPA

July 3, 2018 @ 5:00 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinanindigan ni Presidential spokesperson Harry Roque na may mga elemento ng Simbahang Katolika ang nakikipagsabwatan sa CPP-NPA para pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Matagal na aniyang estratehiya ng rebeldeng grupong ito ang pasukin ang lahat ng sektor ng lipunan para hikayatin na makiisa sa kanilang ipinaglalaban.

“It’s been established. The CPP-NPA has been here for what, how many years already, 60 years, hindi pa ba tayo familiar with the strategy – which is to build a National Democratic Front. There will be efforts on the part of the CPP-NPA to penetrate all sectors of society, that’s not new,” ayon kay Sec. Roque.

Sinabi ni Sec. Roque na layunin niyang alertuhin ang lahat ng institusyon sa bansa lalo pa’t natigil ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo.

Asahan na aniya na babalik ang CPP-NPA sa dati nitong gawi.

Masa darami aniya ang  mag-iingay laban sa gobyerno hindi lamang mula sa CPP-NPA kundi maging sa iba pang puwersa na nakasandal sa iba’t ibang lipunan.

“So, it’s a warning to everyone: we’re back to where we were in the past now that apparently we have set aside peace talks for the time being. Naku naman, hindi na po bago iyan. Okay, I don’t have to clarify that point any further.,” anito. (Kris Jose)