SECTORAL MOVEMENT SUPORTADO ANG MARCOS-DUTERTE TANDEM

SECTORAL MOVEMENT SUPORTADO ANG MARCOS-DUTERTE TANDEM

March 28, 2022 @ 10:36 AM 3 months ago


HIGIT pang lumawak at lumalaki ang suporta sa tamba­lang Ferdinand “BBM” Marcos at Inday Sara Duterte-Carpio at kanilang Uniteam nang magpahayag ng buong suporta ang mga lider at kasapi ng Movement for Reform and Regional Development toward New Economic Cultural Cooperation sa loob at labas ng bansa.

 

Ang naturang grupo na may bilang na higit isang milyong miyembro ay instrumental sa pagpapatakbo at pagkakapanalo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016. Ito rin ang siyang nasa likod ng kampanyang “Run Duterte Run” noong 2015.

 

Sa isang pagtitipon nitong Biyernes sa Quezon City, isinapubliko ng MRRD-NECC ang kanilang manipesto ng pagsuporta.

 

Binasa ang manipesto ni Atty. Diosdado Padilla na tumatayong legal counsel ng grupo. Ang MRRD-NECC din ang nanguna noon sa pagtatayo ng Partido Federal ng Pilipinas na siyang partido ni Marcos sa kasalukuyan.

 

Isa-isa ring nagpahayag ng suporta ang mga representante ng iba’t ibang sektor na nakaanib sa MRRD-NECC, kabilang na dito ang mga manggagawa, urban poor, magsasaka, mga katutubo, mga OFW, mga kasapi ng LGBTQ at iba pa.

 

Sa darating na May 9, 2022, maliban sa pagpili ng susunod na Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador, kinatawan, panlalawigan, panglungsod at pambayang mga opisyales, maghahalal din tayo ng napipisil nating party list representative.

 

Simula taong 1998 alinsunod sa Republic Act No. 7941 ay naganap ang kauna-unahang party list election sa bansa na nilahukan ng 123 groups. Dito, labingdalawang (12) party list groups lamang ang nakakuha ng itinatadhanang 2% votes, habang may isa na naka-apat na porsiyento (4%).

 

Matapos maglabas ng dalawang desisyon ang Supreme Court noong taong 2000 at 2009 ay kumpletong 20% na ang nakakaupo sa Kongreso alinsunod sa prinispyo ng “party list proportional representation” na ginagamitan ng formula ng COMELEC o ng Commission on Elections.

 

Sa mid-term election noong taong 2019, may 52 party list na nakakuha sa 61 seats na nakalaan sa 18th Congress.

 

At sa eleksyon ngayong Mayo, nasa 177 party list ang pagpipilian ngunit iisa lamang ang ating iboboto, at ‘yan ay ang ipaTUPAD FOR WORKERS, INCORPORATED PARTY LIST#37 sa balota.