‘Security flaws’ sa asasinasyon ni ex-PM Abe inamin ng Japan police

‘Security flaws’ sa asasinasyon ni ex-PM Abe inamin ng Japan police

July 10, 2022 @ 1:45 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inamin ng Japanese police nitong Sabado na mayroong mga problema sa  seguridad ni dating prime minister Shinzo Abe, sa pagdating ng kanyang katawan sa kanilang tahanan, isang araw matapos ang asasinasyon sa isang campaign trail.

Nagdadalamhati ang bansa sa pagpanaw ng longest-serving premier ng Japan at nagtipon ang mga nakikiramay upang magbigay-galang, kung saan pawang nakasuot ng itim ang senior politicians nang dumating sa tahanan ni Abe sa Tokyo upang makiramay.

Subalit patuloy pa ring nangampanya ang mga kandidato para sa upper house election, kung saan iginiit ni Prime Minister Fumio Kishida na, “We must never allow violence to suppress speech during elections, which are the foundation of democracy.”

Nagulat ang marami sa pagpatay sa “best-known politician” ng Japan, dahil na rin sa mababang lebel ng krimen maging mahigpit na gun laws sa bansa.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente, matapos umamin ng 41-anyos na si Tetsuya Yamaguchi sa pagpatay sa dating premier, na dahil umano sa paniniwalang may kaugnayan si Abe sa isang unspecified organization.

Inamin naman ng head of police sa Nara region kung saan napatay si Abe na mayroong “undeniable flaws” sa seguridad ng dating lider.

“I believe it is undeniable that there were problems with the guarding and safety measures for former prime minister Abe,” ani Tomoaki Onizuka, head ng Nara prefectural police, at ipinangako ang “thorough investigation.”

“In all the years since I became a police officer in 1995… there is no greater remorse, no bigger regret than this,” aniya pa. RNT/SA