Security forces nakapwesto na sa PBBM inauguration-PNP

Security forces nakapwesto na sa PBBM inauguration-PNP

June 30, 2022 @ 10:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapwesto na ang lahat ng paghahanda sa seguridad para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., ayon sa kumpirmasyon ng Philippine National Police ngayong Huwebes.

Ang mga pulis, kasama ang mga contingent mula sa Armed Forces at Philippine Coast Guard ay naka-deploy na sa kanilang mga itinalagang lugar simula alas-12 ng hatinggabi, ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

“So far we’ve not monitored any credible serious threat,” sinabi niya sa Headstart ng ANC.

Ise-secure rin ng mga awtoridad ang mga freedom park sa Maynila kung saan inaasahang gaganapin ang mga protesta, ani Fajardo.

Ang total lockdown ay ipapatupad pagsapit ng 9:30 ng umaga sa National Museum kung saan gaganapin ang inagurasyon, dagdag niya.

Ang mga nais dumalo sa inagurasyon ay hindi hinihikayat na magdala ng anumang bag at water canister, ani Fajardo. Hinihimok silang magdala ng transparent na bag at dumating bago mag-9 a.m., dagdag niya.

Nagkaroon din ng seguridad sa Davao City, kung saan inaasahang darating si outgoing President Rodrigo Duterte kasunod ng inagurasyon ni Marcos, ayon kay Fajardo. RNT