Security manager, 2 pa sugatan sa ambush sa Maguindanao

Security manager, 2 pa sugatan sa ambush sa Maguindanao

March 8, 2023 @ 11:35 AM 2 weeks ago


MAGUINDANAO – INAALAM na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pananambang sa security manager na ikinasugat nito kabilang ang kanyang asawa at isa pa kamakalawa ng hapon sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ni Maj. Regie Albellera, hepe ng Datu Odin Sinsuat municipal police, ang mga sugatan na sina Regan Blanan, 40, chief security officer ng Amaya Beach Resort sa Barangay Kusiong, Maguindanao, misis nitong si Baby Jane Blanan, 35, at kasama nilang si Jonimar Minted, 40.

Nakaligtas naman ang 2-anyos nilang anak na lalaki, at isa pang kamag-anak.

Batay sa report ng DOS-PNP, dakong 4:30 PM ng maganap ang pananambang sa kahabaan ng Barangay Tapian, ng naturang bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mga biktima ng sakay ng Mini Van na kulay grey, plate number MAX 8406, pauwi sa kanilang tahanan ng bigla na lamang silang paulanan ng bala ng baril ng riding in tandem saka mabilis na nagsitakas.

Agad naman dinala ng kanilang kaanak ang mga biktima sa ospital.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 2 basyo ng kalibre 45 at 3 mula sa 5.56 rifle.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya sa nasabing krimen./Mary Anne Sapico