Security plan bago magpasukan inilatag ng PNP

Security plan bago magpasukan inilatag ng PNP

August 16, 2022 @ 4:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ini-activate ng Philippine National Police (PNP) ang security plannito na tiyakin ang ligtas na reopening ng mga klase para sa school year 2022-2023 sa susunod na linggo.

Inihayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Martes na sa ilalim ng operational guidelines ng “Ligtas Balik-Eskwela SY 2022-2023”, paiigtingin ng pwersa ang law enforcement activities sa learning institutions, transportation hubs at places of convergenceupang protektahan ang mga estudyante, guardians at mga guro mula sa crime incidents gaya ng physical injuries, robbery, at theft.

“Influx of individuals during in-person classes is also expected, thus, PNP Covid-19 (coronavirus disease) patrollers will also be deployed to ensure that the minimum public health standards (MPHS) such as observing physical distance, proper and frequent handwashing, and wearing face masks shall remain implemented, especially in places or regions with high-risk classifications,” pahayag ni Azurin.

Aniya, lahat ng unit commanders ay inutusan na makipag-ugnayan at makilahok sa mga pagpupulong kasama ang school authorities, maging ang parents and teachers’ associations (PTA) upang magsagawa ng public safety services, gaya na lamang ng drug abuse prevention, information drives, at iba pang mahahalagang anti-criminality programs.

Ipinag-utos din sa police stations na magsagawa ng mobile at foot patrols sa kahabaang ng major routes aat nd highways patungo sa learning institutions at sa immediate vicinity ng school premises upang mabantayan ang arawang aktibidad at mapigilan ang outsiders na mahikayat ang mga estudyante na makisali sa mga bisyo at iligal na gawain.

Pinahihigpitan din sa police stations katuwang ang local government units (LGU)  ang pagpapatupad ng zoning ordinance sa loob ng school zones na nagbabawal sa operasyon ng video game shops, billiards establishments, at iba pang amusement facilities sa immediate vicinity ng mga paarala, partikular na sa University Belt area sa Manila.

Maglalagay din ng Police Assistance Desks (PADs) malapit sa mga entrance ng mga paaralan sa buong bansa sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) officials upang siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante, empleyado, bisita, at mga turista sa pamamagitan ng Tourist Police Units.

“Makaka-asa rin ating mga kababayan na sa pamamagitan ng programang “MKK=K” (Malasakit, Kaayusan, Kapayaan tungo sa Kaunlaran) sa tulong ng KASIMBAYANAN, na aking inilunsad, patuloy ang pagseserbisyo ng Pambansang Pulisya Ng Pilipinas hindi lamang bilang mga tagabantay at tagapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad kundi bilang isang organisasyon na tumutulong sa ating mga kababayan at vulnerable sectors ng ating komunidad kasama na ang mga minamahal nating kabataan, sa anumang oras at panahon,” ayon kay Azurin. RNT/SA