Seguridad hihigpitan ng MPD sa paglabas ng mga bata

Seguridad hihigpitan ng MPD sa paglabas ng mga bata

July 15, 2021 @ 10:40 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Lalo pang paiigtingin ng Manila Police District ang pagbabantay sa ilang mga lugar sa Maynila kasama ang mga parke o mga lugar na posibleng dagsahin ng mga tao.

Ito ang inihayag ni MPD Director Brig General Leo Francisco sa harap ng kasalukuyang  quarantine status sa Maynila kung saan maari na ring payagang lumabas ang mga batang edad lima pataas.

Layon nito na maiwasan ang pagkalat ng virus dulot ng COVID-19 dahil nanatili pa rin ang banta ng naturang sakit.

Sa command conference ng MPD kasama si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nagpapasalamat si Francisco sa alkalde dahil satisfied aniya si Yorme  sa performance ng mga kapulisan ng MPD.

Habilin aniya ni Yorme lalo pang paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar o pasyalan gaya ng Luneta, Roxas Blvd, Quiapo, Divisoria at Ugbo sa Tondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden