Seguridad ng media tiniyak ng DILG

Seguridad ng media tiniyak ng DILG

October 12, 2022 @ 3:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Interior and Local Government o DILG na prayoridad nila ang seguridad ng mga media.

Sa Kapihan sa Manila Bay, hinimok ni DILG Sec. Benhur Abalos ang lahat ng media practitioners na dumulog sa kanilang tanggapan sakaling may banta sa kanilang seguridad.

Kailangan aniya ipagbigay alam agad sa kanilang opisina para magawan ng agarang aksyon.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos nakarating sa kalihim ang banta sa social media na nakuha ng mga mamamahayag ng TV5 kung saan sinasabing isusunod na sila sa pinaslang na si Percy Lapid.

Pagtitiyak ni Abalos, kayang i-trace ng PNP cybercrime group ang nasabing banta sa social media basta ipagbigay alam lamang agad sa kanila.

Kaugnay nito, ang PNP sa pamamagitan ng mga district directors at matataas na opisyal ay nagsimula na ring makipagdayalogo sa mga media organizations upang talakayin ang mga pag-iingat gayundin ang pagtitiyak ng kapulisan sa seguridad ng media. Jocelyn Tabangcura-Domenden