Sektor ng agrikultura nasa krisis – Balisacan

Sektor ng agrikultura nasa krisis – Balisacan

June 21, 2022 @ 11:10 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni incoming Socioeconomic Planning secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan nitong Martes na nasa krisis na ang sektor ng agrikultura ng Pilipinas.

Sa isang panayam sa telebisyon, tinanong si Balisacan kung mayroon nang krisis sa pagkain sa Pilipinas. Pagkatapos ay binanggit niya ang tumataas na presyo ng mga produktong bigas at karne gayundin ang “mababang kita” sa pagsasaka, na naglalarawan ng problema sa sektor ng agrikultura.

“Food crisis have risen already and as you know the Avian Flu, this problem has been with us that has led to grippling price increases of meat, rice prices have also been a problem that while the tariffication has brought down the cap of prices quite a bit, they are still high and the issues that concern farmers, the low profitability of rice farming in agriculture and farming in general have to be faced so with that I would say that our agriculture is in crisis,” aniya sa interbyu sa CNN Philippines.

Nang tanungin kung lalala ang sitwasyon, sinabi ni Balisacan na maaari itong magpatuloy sa mga susunod na buwan dahil ang ibang mga bansa ay nagbabalak na ayusin ang dami ng kanilang mga produktong iniluluwas para sa kapakinabangan ng kanilang mga mamamayan.

“Some of the exporting countries are now planning to limit their exports to also protect their citizens from the prices. Many countries including us are going to address these realities by increasing their production,” dagdag pa niya.

Sa mga isyung ito sa sektor ng agrikultura, binigyang-diin ni Balisacan ang pangangailangang protektahan ang mahihirap at mahinang sektor, na dapat bigyan sila ng tulong na kailangan nila sa mahihirap na panahon na ito.

Inulit niya ang sinabi ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagpapataas sa proseso ng pag-iisyu ng National ID ay makatutulong sa mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap.

“Ang sa akin ang pinakauna, the rapid increase in price is already here and likely to get worse before they even get better. So we must protect the poorest and vulnerable groups in our society. We have to strengthen ‘yung ayuda natin, but this time make sure the ayuda will go to the serving groups and not just to anyone,”  dagdag pa ng incoming NEDA chief.

Ang pahayag ni Balisacan ay matapos ipahayag ni Marcos na siya ay uupo bilang kalihim ng Agrikultura pansamantala.

Sinabi ni Marcos na nais niyang pataasin ang produksyon ng pagkain sa Pilipinas at muling isaayos ang Departamento ng Agrikultura. RNT