Sekyu binaril-patay

Sekyu binaril-patay

November 18, 2022 @ 9:08 AM 2 weeks ago


PARANG, Maguindanao- Butas ang bungo ng isang security guard matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa binabantayan nitong Pawnshop kahapon ng umaga, Nobyembre 17 sa bayang ito.

Kinilalang biktimang si Edmar Reyes Bande, 44, at residente ng Sitio Ambo, Brgy. Sarmiento Parang, Maguindanao Del Norte.

Batay sa report ng Parang Municipal Police Station, dakong 7:30 AM naganap ang krimen sa pwesto ng biktima sa Parang Pawnshop Branch 1, sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, abala ang biktima sa pagbubukas ng pawnshop ng bigla na lamang itong binaril sa ulo at dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo sa naghihintay nito kasama at humarurot sa di-malamang direksyon.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, nahagip na CCTV ang gunman at mayroon na silang person of interest.

Inaalam na rin ang tuna na motibo sa pagpatay sa biktima. Mary Anne Sapico