Sekyu isinelda sa panggagahasa sa dalagita sa Navotas

Sekyu isinelda sa panggagahasa sa dalagita sa Navotas

January 8, 2023 @ 10:07 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kulungan ang kinasadalakan ng isang security guard matapos i-reklamo ng panggagahasa sa isang dalagita na kanya umanong kasintahan sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Felix Salvador, 33, security guard at residente ng Blk 19A Wilfen Bill Addition Hills, Mandaluyong City na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 (Rape).

Lumabas sa imbestigasyon ng Navotas Police Women’s and Children Protection Desk, dakong alas-12:00 ng hating gabi, lumabas ang biktima na itinago sa pangalang “Katya” para bumili ng pagkain nang lapitan siya ng suspek (boyfriend ng biktima) at niyaya na sumama sa kanya.

Sumunod naman umano ang biktima sa suspek na nagpunta sa ginagawang construction building sa Bakoko St., Brgy NBBS Kaunlaran.

Pagdating sa naturang lugar, agad umanong pinaghahalikan at hinubaran ng suspek ang biktima na nagtangka namang pumalag subalit, hindi niya kinaya ang lakas ng lalaki hanggang sa magawa siya nitong magahasa.

Matapos nito, lumabas ang biktima at humingi ng tulong sa mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Navotas CPS na sina PSSg Mar Arrobang, PCpl Wilson Pepito at PCpl Ramon Rivera na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Boysan Buenaventura