Sekyu, janitor sa ospital bigyan din ng risk allowance – Eleazar

Sekyu, janitor sa ospital bigyan din ng risk allowance – Eleazar

January 24, 2022 @ 9:07 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hinihikayat ni Senatorial aspirant at dating police general Guillermo Lorenzo Eleazar ang national government na bigyan din ng special risk allowance ang mga security guard at maintenance personnel sa mga ospital na pinagdadalhan ng mga COVID-19 patients.

Giit ni Eleazar na tulad ng mga doctor at nars at iba pang COVID medical frontliners, ang security guards, janitors at iba pang maintenance personnel ay mga frontliner din ng gobyerno sa laban kontra COVID-19.

“They are also frontliners. Let us also give them the benefits or incentives that are due to them as payment for their hardwork and sacrifices too,” ani Eleazar.

Dagdag pa niya na ang mga insentibong ganito ay makapaghihikayat sa mga nasabing personnel na magtabaho nang maayos para sa seguridad ng mga ospital.

Ang nasabing panukala ni Eleazar ay matapos ang pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng P1.185 billion para sa special risk allowance (SRA) ng 63,812 eligible healthcare workers. RNT