Sekyu kulong sa boga

Sekyu kulong sa boga

March 11, 2023 @ 3:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – BINITBIT sa selda ang isang security guard matapos makuhanan ng baril makaraang mag-iskandalo sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Ronie Campaner, 42 ng Malaya St., Brgy 126, Tondo, Manila na nahaharap sa kaukulang kaso.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz, habang nagsasagawa ng patrolling at monitoring ang mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Navotas CPS sa kahabaan ng North Bat Boulevard, Brgy. NBBS Proper sa San Roque Market dakong alas-12:45 ng madaling araw nang makarinig sila ng putok ng baril hanggang sa magkagulo at magtakbuhan ang mga bystander.

Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang lugar kung saan naganap ang kaguluhan at nakita nila ang suspek na pinulot ang isang baril mula sa lapag kaya agad siyang nilapitan at dinisarmahan nina PCpl Pepito, Wilson at Pat Lastimoza Lloyd Sirach saka inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 38 revolver na may limang bala at isang basyo ng bala na naging dahilan upang dalhin siya sa himpilan ng pulisya para sa imbistigasyon at proper disposition. Boysan Buenaventura