Sekyu na namaril dahil sa away-parking, kinasuhan na ng murder

Sekyu na namaril dahil sa away-parking, kinasuhan na ng murder

July 25, 2018 @ 3:22 PM 5 years ago


 

Binondo, Manila – Sinampahan na ng kasong murder ang security guard na nakabaril at nakapatay sa isang negosyante sa Binondo, Maynila.

Sa panayam kay SPO3 Jonathan Bautista, may hawak ng kaso, isinalang na kaninang umaga sa Inquest Proceedings sa Manila Prosecutors Office sa kasong murder si SG Jobel Baet ng  Fast Link International Security Agency Inc.

Ayon kay Bautista, bagamat inakyat sa murder ang kaso, posible pa aniyang maibaba ito sa homicide depende sa review ng prosecutor.

Paliwanag pa ni Bautista na ito ay dahil may provocation na naganap kung saan hinamon, minura, sinuntok, dinuro at dinerty-finger ng biktimang si Albert So y Lee ang suspek.

Posible ring pagtibayin ng mga testimonya ng ilang saksi upang maibaba sa homicide mula sa murder ang kaso dahil pinatutohanan nila na sadya umanong “bully” sa mga guwardiya ang biktima sa lugar.

Gayunman, wala naman aniyang mangyaring pagtatalo o confrontation kaya murder ang isinampang kaso ng Homicide-Section.

Isa pa aniya ay tumakas pa ang suspek pagkatapos nitong mabaril ang biktima.

Bukod sa murder, kinasuhan din ng serious physical injury at 2 counts ng physical injury si Baet.

Napag-alaman na sinita ng suspek ang biktima dahil sa pagpaparada ng kanyang sasakyan sa harapan ng iPacific Residence sa Binondo, Maynila. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)