Sekyu na wanted sa pagnanakaw, dinampot nang kumuha ng police clearance

Sekyu na wanted sa pagnanakaw, dinampot nang kumuha ng police clearance

November 15, 2022 @ 12:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang isang security matapos mabistong may warrant of arrest sa kasong qualified theft habang kumukuha ng police clearance sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ng naarestong suspek bilang si Christian Utleg, 34, sicurity guard at residente ng Blk 35 Lot 21 Phase 2 Area 2, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, kumuha ng National Police Clearance si Utleg sa Navotas City Police Station sa M. Naval St. Brgy. Sipac-Almacin subalit, napag-laman ng pulisya na meron siyang warrant of arrest sa kasong qualified theft sa Caloocan City.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad inaresto ng mga tauhan ng police clearance na sina PSSg Delson Kawiking at PCpl Samy Liniasan si Utleg dakong ala-1:05 ng hapon.

Si Utleg ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong January 31, 2022 ni Judge Rodolfo P Azucena Jr, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125, Caloocan City para sa kasong Qualified Theft (in relation to Art. 308 and 309). Boysan Buenaventura