Sekyu patay sa atake sa puso

Sekyu patay sa atake sa puso

June 2, 2021 @ 10:43 AM 2 years ago


ILOCOS SUR-Hinihinalang inatake sa puso  sa loob ng kanilang guardhouse ang security guard ng Ilocos Sur Provincial Library kaya namatay.

Ang biktima ay nakilalang  si Arnolfo Tenorio, Jr. y Orbi, 46, may asawa, residente ng Brgy. Pantay Daya ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 5:00 ng umaga kahapon nang magpunta sa guardhouse si  Emmanuel Rapisura y De Guzman, 41, may asawa, project staff ng Provincial Capitol, residente ng Brgy. Otol-Patac, San Ildefonso, Ilocos Sur para gisingin ang security guard subalit nadatnan niyang unconscious ang biktima kaya agad siyang humingi ng saklolo sa PDRRMC.

Ang biktima ay agad na itinakbo sa llocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang sa Tamag, Vigan City pero idineklarang dead-on-arrival ng kanyang attending physician. Rolando S. Gamoso