Sekyu timbog sa entrapment ops sa pagbebenta ng baril

Sekyu timbog sa entrapment ops sa pagbebenta ng baril

November 27, 2022 @ 4:37 PM 2 months ago


NUEVA VIZCAYA – Timbog ang isang sekyu sa ikinasang entrapment operation ng mga otoridad sa Washington Street, Purok 1, Barangay Wacal, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa ipinarating nanulat ni PMaj. Anthony C. Ayungo, hepe ng Solano Police Station kay PCol. Camlon Nasdoman, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO ang suspek ay kinilalang si Arman Ignacio, 36-anyos, may asawa at residente ng Purok 3, Brgy. Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isang impormante ang nagbigay ng impormasyon sa mga operatiba na nagbebenta ng caliber 45 pistol ang suspek na nagkakahalaga ng P40, 000.

Inabisuhan ng mga operatiba ang impormante na sabihin sa sekyu na isang indibidwal ang interesado na bumili ng baril hanggang sa napapayag niya ito.

Nakumpiska sa kaniyang pag-iingat ang isang COLT MK IV caliber .45 pistol (serial number N2426832);isang magazine na naglalaman ng pitong (7) bala; buy-bust money at boodle money; cellphone at maging ang kanyang motorsiklo na walang plaka.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda na ang kaso laban dito. Rey Velasco