Sekyu timbog sa pagnanakaw ng boga ng kabaro

Sekyu timbog sa pagnanakaw ng boga ng kabaro

October 10, 2022 @ 5:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang security guard nang mabulaga ang ginawang pagnanakaw sa kapwa sekyu sa Caloocan City.

Ibinalibag sa selda ang suspek na si :Neil Salazar, 52, lalaki, ng Sixta Matias, Sampaloc St. Bagumbong, Caloocan City.

Natimbog ang suspek dakong 8:30 a.m. ng Oktubre 9 sa guardhouse ng Kingstown Executive Enclaves, Bagumbong, Barangay 171, Caloocan City.

Inilagay umano ng nagreklamong kabaro ni Salazar na naka-duty ang kanyang service firearm sa isang kahon nang pumunta sa kasilyas at pagbalik niya ay hawak na ng suspek ang nasabing baril saka tumalilis kaya’t humingi ng tulong ang biktima sa kanilang officer-in-charge na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkarekober sa armas.

Nasa kustodiya na ng Caloocan Police ang ang nabawin Armscor .38 Revolver at ang suspek para sa imbestigasyon at pagsasampa ng karampatang kaso. Merly Iral