Sekyu timbog sa tobats, boga sa Bulacan buy-bust

Sekyu timbog sa tobats, boga sa Bulacan buy-bust

March 15, 2023 @ 3:54 PM 1 week ago


BULACAN – Arestado ang isang guwardiya matapos mahulihan ng P6,800 halaga ng iligal na droga at baril sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang naarestong suspek na si Rogelio Gonzales Jr, 34, isang security guard.

Sa report, naaresto ang suspek bandang alas-9 ng gabi nitong Marso 14 ng mga operatiba ng SJDM police.

Nabatid na nabilhan ang target ng hinihinalang shabu ng police poseur buyer kaya agad itong naaresto.

Narekober sa target ang caliber 38 baril, na may tatlong round ng bala, cartridge, 40 mm high explosives, pitong sachets na pinaghihinalaang shabu na aabot sa isang gramo at may halagang P6,800.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III