Sekyung kumatay sa katomang mag-utol sa Bulacan, arestado

Sekyung kumatay sa katomang mag-utol sa Bulacan, arestado

July 12, 2021 @ 2:23 PM 1 year ago


Bulacan – Arestado ang security guard na rumatrat at nakapatay sa kanyang kainuman na magkapatid at ikinasugat ng isa pa dahil lamang sa simpleng pagtatalo sa San Ildefonso ng lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Romeo De Ocampo,40,residente ng Brgy.Calasag habang ang mga napatay ay sina Larry Gabat,31,farm manager at Rey Gabat residente ng Brgy.Pinaod at ang nasugatang si Michael Garcia,residente ng Nueva Ecija.

Ayon kay San Ildefonso acting chief of police PLt/Col Carl Omar Fiel,nahuli ang suspek na si Romeo bandang 1:00 pm,nitong Sabado July 10,malapit sa kanilang bahay.

Sa salaysay ng sugatang si Michael sa pulisya,sa kasagsagan ng inuman nila bandang 9:30 pm,nitong Biyernes,July 9 sa Purok Verde Avenue,Brgy.Mataas na Parang ay nagtalo si Larry at ang suspek na si Romeo.

Walang kaabog-abog ay biglang namaril ang suspek na si Romeo na ikinamatay ng magkapatid at ikinasugat naman ni Michael.

Mabilis na tumakas ang suspek sa lugar habang isinugod naman ang sugatang si Michael sa R. De C Galvez Medical Center para sa paunang lunas.

Nakita sa crime scene ang 19 basyo ng cal.5.56.

Nahaharap sa kasong double murder,fustrated murder,violation of RA 10591 at motornapping ang naarestong guwardiya. Dick Mirasol III