Sekyung nasawi sa Ateneo shooting pinarangalan ng PNP

Sekyung nasawi sa Ateneo shooting pinarangalan ng PNP

August 4, 2022 @ 1:00 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Ginawaran ng Philippine National Police ng Medalya ng Katangi-tanging Asal o Blueguards Special Action Medal ang nasawing Ateneo De Manila University guard na si Jeneven Bandiala sa nangyaring shooting incident sa mismong unibersidad.

Ang pamilya Bandiala ang tumanggap nito sa huling araw ng burol sa Quezon City, ibabyahe ang labi ni Bandiala sa Lopez Jaena, Misamis Occidental ngayong araw.

Sinabi ni Maj. Gen. Jesus Cambay Jr., Director ng PNP-Civil Security Group, ang naging aksyon ni Bandiala ay pagpapakita ng dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.

“The act of bravery exhibited by SG Bandiala is a strong manifestation of his exceptional conduct as professional security guard,” giit ni Cambay.

Si Bandiala ang isa sa tatlong nabaril at nasawi sa shooting incident sa Ateneo de Manila University nitong Hulyo 24 kabilang sila dating Lamitan City, Basilan Rose Furigay at ang kaniyang long-time aide na si Victor Capistrano na nasawi rin sa insidente.

Nakaligtas naman sa kamatayan ang anak ni Furigay na si Hannah na nabaril din ng suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol. RNT