Self-proclaimed ceasefire ng Russia sa Ukraine tinapos na

Self-proclaimed ceasefire ng Russia sa Ukraine tinapos na

January 8, 2023 @ 1:26 PM 4 weeks ago


RUSSIA – Tinapos na ng Russia ang self-declared Christmas ceasefire laban sa Ukraine.

Ito ang ibinahagi ng isang lokal na opisyal nitong Linggo, Enero 8 kasabay ng magdamagang pambobomba ng naturang bansa sa silangang bahagi ng Ukraine na nagdulot ng pagkasawi ng isang indibidwal doon.

Matatandaan na ipinag-utos ni President Vladimir Putin ang 36 na oras na ceasefire kasabay ng pagdiriwang ng Orthodox Christmas ng Russia at Ukraine nitong Sabado, Enero 7.

Karaniwan na ipinagdiriwang ng mga Orthodox Christians ang Pasko tuwing Enero 7.

Kaugnay ng pagtatapos ng ceasefire, sinabi ng Kremlin na ipagpapatuloy na ng Moscow ang “special military operation” nito sa Ukraine.

“The tasks set by the president (Putin) for the special military operation will still be fulfilled,” sinabi ni Russian state TASS agency deputy chief of staff Sergei Kiriyenko.

“And there definitely will be a victory.”

Sa kasalukuyan ay nasa ika-11 buwan na ang tensyon sa dalawang bansa na kumitil na ng buhay ng libo-libong residente at sumira sa iba’t ibang lungsod sa Ukraine. RNT/JGC