Selfie sa kampanya, ‘wag ipagbawal – pres’l aspirant

Selfie sa kampanya, ‘wag ipagbawal – pres’l aspirant

February 10, 2022 @ 7:23 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Umapela si Presidential bet Manila Mayor Isko Moreno sa Commission on Elections (Comelec) na muling isaalang-alang ang pagbabawal nito sa pag-selfie sa in-person campaigning.

Ang hakbang na ito ay isa kasi sa ipinagbabawal ng poll body pangontra sa paglaganap lalo ng COVID-19.

“I hope, in changing times, in a situation, tingnan natin. Siguro pag-aralan nila yung mga alituntuning tingin kong sensible naman,” ani Moreno.

Batay sa mga alituntunin ng Comelec para sa pangangampanya para sa 2022 elections, ang mga kandidato ay hindi pinapayagang sa personal contact sa mga tao anuman ang alert level na nakataas sa isang sa lugar.

Kasama sa mga ipinagbabawal na gawin ang pakikipagkamay, yakap, halik, pakikipag-arm-to-arm, at pagkuha ng mga selfie.

Pinaalalahanan din ng Department of Interior and Local Government ang mga kandidato noong Martes na iwasan ang physical contact sa mga tao sa kanilang campaign trail.

“Ang gusto ko lang, makausap kayo, makalapit ako sa tao, kahit na medyo ipinagbabawal yung mga selfie selfie. Ang katwiran ko, selfie na nga lang, ipinagdadamot pa natin sa tao?”

Sa unang dalawang araw ng campaign period para sa national post candidates, nakita si Moreno na nagse-selfie at nakikipag-physical contact sa mga taong naghihintay sa kanya sa kanyang mga campaign events.

Binigyang-diin ng Aksyon Demokratiko standard bearer na hindi niya masisisi ang mga tao kung nais nilang makipag-selfie sa kanya.

“The only challenge is kaya ba natin pigilan yung damdamin ng tao. Eh diba kaligayahan ng tao yun na makasama nila, makapagpicture sila, sa paborito nilang tao? Hindi naman ibig sabihin nakapagpicture na sayo, boto na yun agad I don’t think so ,” sabi ni Moreno.

Wala pang pahayag ang Comelec sa apela ni Moreno.

Si Moreno ay tumatakbo kasama si Dr. Willie Ong bilang kanyang vice presidential candidate kasama ang tatlong senatorial bets na sina Carl Balita, Samira Gutoc, at Jopet Sison. RNT