Semis ng Wimbledon, inihinto muna

Semis ng Wimbledon, inihinto muna

July 14, 2018 @ 12:40 PM 5 years ago


United Kingdom – Lamang ang three-time Wimbledon champion na si Novak Djokovic dalawang set sa score na 6-4, 3-6 at 7-6 (11-9) kontra Rafael Nadal ng Spain nang suspendihin pansamantala ang kanilang laro kagabi.

Inabot na kasi ng 11 ng gabi sa England ang laro dahil sa naunang laban nina Kevin Anderson at John Isner na umabot ng anim na oras at 36 minutes na nagresulta sa pagkapanalo ni Anderson.

Kailangan nang isara ang bubong ng court dahil alas-11 ang kanialng curfew sa lugar.

Ipagpapatuloy naman ang laro mamayang alas-8 ng gabi sa oras sa Pilipinas. (Remate News Team)