Sen. Alan may COVID

Sen. Alan may COVID

August 4, 2022 @ 10:42 AM 1 week ago


Nagpositibo sa COVID-19 si Senator Alan Peter Cayetano, ayon kay  Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ibinahagi ni Zubiri ang balita sa isang plenaryo para ipaliwanag ang pagliban ni Cayetano.

“Please let him know we are praying for his quick recovery,” ipinabatid ni Zubiri kay Senator Pia Cayetano. “I heard that he was positive. It’s better that we put it on record, lest people will ask where he is.”

Hindi pa malinaw kung nagpositibo ang senador sa pamamagitan ng antigen test, ngunit sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa session na umaasa siyang false-positive ang resulta.

Samantala, nagpahayag din ng pag-asa si Pia Cayetano na maligtas sa impeksyon ang asawa ng kanyang kapatid. RNT