Sen. Bato naka-confine sa ospital dahil sa COVID



Sen. Bato naka-confine sa ospital dahil sa COVID

December 3, 2020 @ 7:45 PM 7 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kasalukuyang naka-confine sa ospital si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ayon sa tanggapan nito.

Dinala sa ospital si Dela Rosa nitong Nobyembre 23 upang mabantayang mabuti matapos magkaroon ng lagnat, ubo, at panlalamig.

Ayon pa sa staff nito na bumubuti na ang pakiramdam ng senador.

Nitong nakaraang linggo, nag-post ng larawan si Dela Rosa na nasa ospital.

Nagpositibo ang senador sa COVID-19 nitong Nobyembre 21 matapos dumalo ng pagdinig sa Senado.

Ang anak nito, driver, at kasambahay ay nagpositibo rin sa sakit.

Si Dela Rosa ang ikalimang senador na nagkaroon ng COVID-19. RNT/ELM


  •  
  •  
  •