Sen. Binay, inunahan na ang bashers sa gown nitong terno sa carpet

Sen. Binay, inunahan na ang bashers sa gown nitong terno sa carpet

July 23, 2018 @ 4:32 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Inunahan na ni Senator Nancy Binay  ang mga bash sa kanyang kasuotan ngayon opening ng 3rd regular session ng Senado,

‘O ‘di ba, match na match ako sa carpet?’ pabirong bati ng Senadora pagpasok sa Session Hall.

Suot ni Binay ang light blue na Filipiniana gown na design na tumiterno sa kulay ng carpet ng hall.

Si Randy Ortiz ang may gawa ng kanyang suot na siya ring nagdisenyo ng mga nakaraang mga OOTD ng senadora.

“Nagpapasalamat ako sa mga nagba-bash, tsaka yung mga naglo-look forward sa susuotin ko every year. ‘Yun pa lang, it’s an honor,” dagdag pa nito.

Matatandaang laging laman si Binay ng mga meme sa social media sites. (Remate News Team)