Sen. Bong, balik-vlogging!

Sen. Bong, balik-vlogging!

January 4, 2023 @ 8:28 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Muling bumalik sa pagba-vlog ang butihing senador na si Ramon ‘Bong”Revilla, Jr.

Sa kanyang YouTube channel, nagpaunlak siya na sagutin ang most search questions tungkol sa kanya sa episode na “Tanong Ninyo, Sasagutin Ko.”

Ayon sa tsinitong aktor, itinuturing daw niyang agimat o lucky charm ang Diyos dahil ito raw ang lagi niyang kinakapitan. Pangalawa raw ang kanyang pamilya na karamay niya sa hirap man o ginhawa at pangatlo ang kanyang mga tagasubaybay na walang sawang sumusuporta sa kanyang karera.

Most memorable birthday daw niyang maituturing ay noong nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan sa Camp Crame kung saan kumpleto ang kanyang pamilya at mga kaibigang nakisaya sa kanya.

Aminado rin siyang isa siyang sensitive na tao at ang weak spot niya ay kapag napag-uusapan na ang tungkol sa kanyang tatay.

Perseverance naman at discipline ang values na natutunan niya sa kanyang mahal na ama.

Essentials naman para sa senador ang kanyang cellphone at pag-eehersisyo.

Ang pag-ehersisyo raw ang siyang nagpapabata sa kanya kaya laging hinahanap-hanap ito ng kanyang katawan.

Kung hindi raw siya naging artista, malamang daw ay isa na siyang doctor ngayon dahil ito ang pangarap ng kanyang namayapang ama.

Proud din si Senador Bong na meron na siyang anim na matatalino at magagandang apo.

Kumbaga, bilang lolo, mas matimbang daw pala ang tubo sa puhunan. Archie Liao