Bong Go personal na nakiramay, nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

Bong Go personal na nakiramay, nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

November 18, 2022 @ 11:46 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Personal na binisita at nakiramay si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga biktima na nasunugan sa Barangay BBN at Brgy. Navotas West sa lungsod ng Navotas.

Mismong si Senator Bong Go ang namahagi ng Jollibee meals, grocery packs, vitamin C, t-shirts, bikes, relo, sapatos, bola ng basketball at volleyball at makatatanggap rin ang mga apektadong pamilya ng tulong pinansyal na P5,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nakiramay naman ang senador sa pamilya ng mga nasawi sa sunog habang namahagi rin ito ng mga wheelchairs, crutches at tungkod sa mga PWD at special gift para sa mga buntis.

“Taos-puso po tayong nagpapasalamat kay Sen. Bong Go sa kanyang personal na pagbisita at pagbigay-ayuda sa mga kababayan nating nasunugan,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“Malaking bagay po ang tulong na inyong inihandog para maibsan ang hirap na nararamdaman ng mga apektadong pamilya at para makapagsimula silang muli. Salamat po sa inyong pagmamahal at pagmamalasakit sa mga Navoteño na biktima ng sunog,” dagdag pa ng aklade.

Samantala, pinasalamatan naman ni Navotas City Congressman Toby Tiangco ang Tingog Partylist sa pangunguna nina Cong. Yedda Marie K. Romualdez at Cong. Jude A. Acidre at ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez na nagbigay ng tulong sa mga Navoteño na nasunugan sa Brgy. BBN at Navotas West.

“Lubos po tayong nagpapasalamat kay Speaker Martin Romualdez at sa lahat ng ating mga kasamahan sa Kongreso na nag-ambag ng P5,000,000 para sa mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Navotas West at Bagumbayan North,” ani Cong. Tiangco.

“Malaking tulong po ito para mapabilis ang pag-ahon nila mula sa trahedya at pagbalik nila sa normal na pamumuhay,” dagdag pa ng kongresista.

Pinasalamatan rin ni Cong. Toby si Karla Estrada, Director for Community Engagement ng Social Services and Promotions ng Tingog Partylist sa kanyang personal na pagbisita at pamamahagi nito ng ayuda sa mga biktima ng sunog. R.A Marquez