Sen. Go nagbigay-tulong sa biktima ng sunog sa NoCot
February 19, 2023 @ 9:25 AM
1 month ago
Views: 67
Remate Online2023-02-19T12:28:03+08:00
Patuloy na nagsusumikap sa pagbibigay ng tulong para sa mga mamamayang Pilipino sa buong bansa ang opisina ni Sen. Bong Go. Sa pagkakatong ito ay nagbigay tulong ang senador sa mga biktima ng sunog sa Magpet, North Cotabato noong Miyerkules, Pebrero 15.
Isinagawa ang pagbibigay ng grocery packs, damit, meryenda, face masks, mga bitamina at mga bola para sa basketball at voleyball sa Municipal Social Welfare and Development Office ng Magpet sa dalawang residente na naapektuhan ng insidente ng sunog.
Ang Department of Social Welfare and Development ay nagbigay din ng tulong pinansyal upang matulungan ang mga benepisyaryo na makabangon mula sa insidente.
“Asahan niyo po na hinding-hindi po kayo pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo. Ipaglalaban ko po palagi ang inyong kapakanan lalo na yung mga walang-wala — mga naghihirap, mga helpless at hopeless at walang ibang matakbuhan,” ani ng senador sa kanyang video message.
Malaki ang naging parte ng senador sa pagsasabatas ng Bureau of Fire Protection Modernization Act of 2021 upang mas mapaigi ang kakayahan ng asensya sa pagpugso ng sunog upang matiyak ang mas mahusay na pagtugon sa mga nasabing insidente mula sa gobyerno.
Ang nasabing batas na pangunahing insinulat at itinaguyod ng senator, ay nag-aatas sa mga mieymbro ng BFP na sumailalim sa sampung-taong modernization program na nagtatalakay sa pagkuha nga mga bagong modernong kagamitan sa sunog, pagkuha ng karagdagang mga empleyado o tauhan at pagbibigay ng specialized training para sa mga bumbero, bukod sa iba pa.
“Karagdagang kagamitan, firefighters at monthly education campaigns para turuan ang ating mga kababayan na mag-ingat, ‘yan po ang BFP Modernization Act. Bawat bahay na nasusunog, nadadamay ang kapitbahay. Kaya dapat doble ingat tayo,” ayon sa senador.
“Alam ko pong napakahirap ng panahon ngayon pero tandaan po natin na ang pera po ay kinikita, ang gamit po ay nabibili, pero ang pera na kikitain ay hindi po nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever. Kaya mag-ingat po tayo palagi,” karagdagang sabi nito.
Bukod dito, bilang pinuno ng Senate Committee on Health and Demography, nag-alok ang senador ng kargdagang tulong sa mga benepisyaryong nangangailangan ng tulong medikal at pinayuhan silang humingi ng serbisyo sa Malasakit Center sa Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City.
Unang itinatag noong 2018, ang Malasakit Centers ay naglalayon na maging one-stop shop para sa mga programang tulong medikal tulad ng pagbibigay ng libreng gamot, laboratoryo, surgeries at iba pang serbisyo na inaalok ng gobyerno, kabilang na ang DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.
“Kung may nararamdaman po kayo, kung sakit man sa puso o kung ano pa pong sakit, ‘wag niyo na pong patagalin pa. Naiintindihan ko po na minsan ay nag-aalangan ang iba na magpatingin sa hospital pero may Malasakit Center na po diyan sa Cotabato Provincial Hospital kaya napakadali na pong kumuha ng tulong galing sa gobyerno,” ani ng senador.
Noong 2022, nagbigay suporta rin ang senador sa pagpapatayo ng isang Super Health Center sa Kidapawan City at sa mga bayan ng Banisilan, Libungan at Arakan – ang huling personal na ininspeksyon ng senador noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ngayong taon, magtatayo rin ng mga Super Health Center ang senador sa bayan ng Magpet, Aleosan, Midsayap, Pigcawayan, President Roxas, at Tulunan. At isa pang Super Health Center ang ipapatayo sa Kidapawan City.
Ang Super Health Center ay isang pinabuting bersyon ng isang rural health unit na nag-aalok ng mga serbisyong medikal at pangkalusugan kabilang na ang database management; out-patient; birthing; isolation; diagnostic (laboratory: x-ray and ultrasound); pharmacy and ambulatory surgical units.
Bukod pa sa mga nabanggit, mayroon ding serbisyo para sa mata, tainga, ilong at lalamunan (EENT); oncology centers; physical therapy; rehabilitation center; at telemedicine na kung saan maaring suriin at bigyang kagamutan ang mga pasyenteng mga nasa malalayong lugar.
Ang senador ang nagbigay daan sa pagpopondo sa pagtatayo ng 307 Super Health Centers sa buong bansa noon 2022.
Matagumpay din niyang naisulong ang karagdagang pondo para sa 2023 health budget upang matiyak ang pagpapatayo ng mga karagdagang Super Health Center.
Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, suportado rin ni Sen. Bong Go ang pagpapatayo ng Arakan, Natutungan at Bangbang barangay hall sa Matalam; pagsesemento ng farm-to-market and local roads in Alamada, Banisilan, Libungan, Midsayap at President Roxas; pagpapatayo ng mga tulay sa Arakan, Kabacan at Tulunan; at pagpapatayo o rehabilitasyon ng mga drainage canal sa Kabacan at Pikit; at pagpapatayo ng mga system facility para sa inuming tubig sa Tulunan. RNT
March 30, 2023 @3:13 PM
Views: 6
CANDELARIA, Quezon- Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon sa buy-bust operations sa lugar na ito nitong Miyerkules.
Naaresto ng Candelaria Drug Enforcement Unit ang tatlong umano’y pusher na kinilalang sina Michael Malasma Dakila, Leovernie Montenegro Quitain, at Gerson Dinglasan Silva.
Sinabi ni Candelaria police chief Lt. Col. Dennis de Leon na natukoy si Dakila bilang high-value individual habang sina Quitain at Silva ay street-level individuals.
Nahuli sina Dakila at Quitain sa Purok 4, Barangay Masin Norte. Samantala, naaresto naman si Silva sa Purok 4, Barangay Malabanban Sur.
Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Suspects Candelaria Police Station. Nahaharap sila sa drug-related charges, base kay De Leon. RNT/SA
March 30, 2023 @3:00 PM
Views: 11
COTABATO CITY- Patay ang tatlong gunmen sa engkwentro sa pagitan ng nag-aaway na mga pamilya sa Ampatuan, Maguindanao del Sur, ayon sa police official nitong Huwebes.
Sa panayam, sinabi ni Capt. Giuseppe Tamayo, Ampatuan municipal police chief, na sumiklab ang laban nitong Martes ng gabi at nagpatuloy hanggang dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules.
Kabilang ang magkaaway na mga pamilya sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) base commands na matagal nang may iringan dahil sa territorial control ng malawak na lupain sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, base kay Tamayo.
“The protagonists in this fighting are members of the MILF’s 118th and 105th base commands,” ani Tamayo. “As I speak, they are still firing sporadically at each other although from a distance.”
Dahil dito, lumikas ang halos 100 pamilya sa mas ligats na lugar at pansamantalang nananatili sa municipal gymnasium.
Inihayag ni Tamayo na sinisikap na ng MILF officials na pigilin ang paglala ng karahasan sa mga miyembro nito sa nasabing lugar. RNT/SA
March 30, 2023 @2:48 PM
Views: 14
MANILA, Philippines- Isasailalim ang buong probinsya ng Oriental Mindoro sa state of calamity, ayon kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor nitong Huwebes.
“Kagabi po, dahil sa pinakahuling report na natanggap ko, mula sa (Department of Health) tsaka sa (Department of Environment and Natural Resources), nag-utos na rin po ako sa (Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office) kagabi na ihanda ang rekomendasyon para sa deklarasyon ng state of calamity for the entire province, hindi lamang po para sa area na naunang naapektuhan ng oil spill,” aniya.
Malaking bahagi ng lalawigan ang apektado ng oil spill dulot ng lumubog na tanker Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil.
Libo-libong pamilya at kanilang mga pamilya ang parte na ng cash-for-work program ng pamahalaan matapos pairalin ang fishing bans sa mga apektadong katubigan.
Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na nakapamahagi na ito ng hindi bababa sa P38.1 milyong tulong sa mga apektadong pamilya.
Namataan ng Japanese remotely operated vehicle (ROV) ang mga crack sa lumubog na vessel. Sinabi ni Dolor na mayroong mga bag na makatutulong sa pagtugon sa tagas mula sa mga crack.
“Meron pong 23 na leaking areas doon sa MT Princess Empress. Para po temporary matakpan ito, lalagyan ng bag, parang ipapasok yung leak sa loob ng bag, isi-seal po. Para yung oil, hindi po humalo sa tubig,” paglalahad niya.
“Yung specialized bag…yung unang batch nasa Manila na po, parating na po ito sa Oriental Mindoro anytime.”
“Maganda rin po, nakakita na po sa Pilipinas, doon po sa Cavite area, ng kumpanya, na pupuwede pong mag-customize ng bag na ito,” dagdag niya. RNT/SA
March 30, 2023 @2:34 PM
Views: 17
MANILA, Philippines- Suportado ni Senate President Pro Tempore Senator Loren Legarda ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang panukala na dagdagan ang kanilang pondo para makabili ng mga assets para sa pagtugon sa oil spill sa karagatan ng Pilipinas.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ng senador na dapat suportan ang PCG hindi lamang sa mga equipment at resources kundi maging sa building capacity at kung paano gawin.
Gayundin ang human skills at kaalaman, teknolohiya o equipment na gagamitin at kung ano ang pinakamabilis, madali at ligtas at episyenteng pamamaraan para mapigilan ang aksidente at oil spill kapag ito ay nangyari sa baybayin ng Pilipinas.
Dapat din aniyang alamin sa Department of Science and Technology (DOST) kung ano ang mga sina-una at ginagawa ng ibang bansa.
“Ano ba ang mga sina-una or ano ba ang ginagawa ng ibang bansa na hindi masyadong mahal o kung mahal– so be it, kakayanin ba? kayanin, para yung kaalaman ay dapat ding i-build hindi lang in terms of equipment,” sabi ng senador.
Pero ang pinakamainam aniya ay iwasan ang aksidente kaya kailangan seaworthy ang mga sasakyang-dagat, kailangan din aniya na huwag mag-overload at alam ang agarang gagawin kapag may nangyaring aberya.
Nitong Martes, sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na pinag-aaralan nilang isama sa kanilang panukalang 2024 budget na ihirit ang dagdag pondo para sa pagbili ng remotely operated vehicle (ROVs) at iba pang assets upang makatulong sa mabilis na pagtugon sa mga aksidente sa baybayin tulad ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro. Jocelyn Tabangcura-Domenden
March 30, 2023 @2:30 PM
Views: 22
Manila, Philippines- Viral ang larawan ni Piolo Pascual kung saan makikitang kumakain mag-isa.
Para ngang last supper na ‘yon ng aktor na nilantakan ang sari-saring pagkaing nakalatag sa mesa.
Wala pang pang-itaas ang aktor na halatang ganadung-ganado sa pagkain.
Pero hindi ang tungkol sa maganang pagkain ni Piolo ang napansin ng mga netizens.
Mas nasilip ng mga ito ang kalungkutang nadarama niya na mag-isang kumakain.
Siyempre, kinunek ‘yon ng mga netizens sa pagiging loveless ni Piolo.
Kung may karelasyon nga naman siya, di sana’y may kasabay raw siyang kumain.
Hindi naman ito pinalampas ni Piolo.
Depensa niya: “Hindi porke’t kumakaing mag-isa ang tao, eh, malungkot na. Di ba puwedeng nagtitipid lang?”
Lalo pang jinustify ‘yon ni Piolo by saying: “Ang sarap kayang kumain mag-isa, wala kang kaagaw!”
Kamakailan ay naging mainit ang paksa sa social media tungkol sa mga lalaking kumakain mag-isa sa mga restaurants.
Hindi raw dapat gawing big deal ito.
May sadya naman daw kasing mga lalaki who prefer to eat alone either they’re scrimping o nagtitipid or talagang they value their private moments.
Out of the question daw kung may lovelife o wala ang mga lalaking nakikitang enjoying their meals alone. Ronnie Carrasco III