Sen. Grace Poe nasapul ng COVID!

Sen. Grace Poe nasapul ng COVID!

August 17, 2022 @ 5:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpositibo si Sen. Grace Poe sa COVID-19, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Miyerkules sa plenary session ng chamber.

“Ma’am, please get well soon from your COVID-19. We pray in Senate that you stay safe and that you can hurdle this. I’m sure you will do well,” ani Zubiri.Β 

Si Poe ang ika-apat na senador na natamaan ng COVID-19Β  sa mga nakalipas na linggo.

Nauna nang nasapul ng sakit sina senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, at Cynthia Villar.

Inanunsyo ng Senado nitong nakaraang linggo na paiigtingin nito ang health at security protocols simula Agosto 15, kasunod ng pagkakahawa ng ilang senador sa COVID-19.

Gugulong ang polisiya sa loob ng tatlong linggo, batay kay Zubiri. RNT/SA