Sen. Imee, asar kay Cristine!

Sen. Imee, asar kay Cristine!

July 18, 2022 @ 7:10 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Harap-harapang sinabi ni Sen. Imee Marcos na naiinis siya kay Cristine Reyes. FYI ay si Cristine ang gumaganap sa papel character ni Senator Imee sa pelikulanv Maid in Malacanang.

Isang upuan lang ang layo ni Sen. Imee kay Cristine sa mediacon ng nasabing peliula pero nilabas niya ang saloobin niya sa aktres.

“Naaasar ako kay Cristine kasi kahawig ko na siya, medyo creepy na siya dahil gayang-gaya niya ako, pati ‘yung pag-flip ko ng hair ko, pati ‘yung pangit na lakad ko, kuhang kuha niya.

“Isa pa, ang taray-taray niya sa movie,”sabi pa ni Sen. Imee.

‘Yung pagka-inis ni Sen. Imee kay Cristine ay parang lambing lang pala na ang ibig sabhin ay sobra siyang bilib dito dahil nakuha ng aktres ang lahat ng nga mannersisms niya.

Kumbaga ay ginawa ni Cristine ang kanyang assignment bilang aktres.

Sinabi rin ni Sen. Imee na painful sa kanya ang memory ng last three days ng pamilya Marcos sa Malacañang as depicted in the movie.

“I was mystified by direk Daryl Yap’s choice na dapat ‘yung huling three days sa Malacañang ang ipakikita sa movie kasi it was painful and traumatic.

“Pero sabi ni Direk, It will be of interest. Nu’ng iniisa-isa na nga niya ‘yung mga pangyayari, e, naintindihan ko na kung bakit may kwento talaga.

“Its a difficult process for me, painful not only to my family but to people who are close to us,” sabi pa ng senadora.

Sinabi rin ni Sen. Imee na hindi big deal sa kaanilang pamilya ang pagbabalik nila sa Malacañang.

“Du’n na kami galing, e, hndi na big deal na makabalik. Ang mahalaga ‘yung legacy ng tatay ko, ‘yung apelyodo ng pamilya namin na makaahon and makabangon,” explain pa ng lady senator. JP Ignacio