Sen Imee, hindi aprubado ang Martyr or Murderer!

Sen Imee, hindi aprubado ang Martyr or Murderer!

February 22, 2023 @ 5:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap na mismo ang nagsabi na hindi pabor si Sen. Imee Marcos sa title ng movie na Martyr or Murderer. Sa umpisa pa lang daw ay may trauma na si Sen. Imee sa word na murderer.

Kung matatandaan ay napagbintangan ang pamilya Marcos sa pagkamatay ng dating senador na si Ninoy Aquino.

“Sabi ni Sen. Imee, okay na sa kanya ‘yung may martyr sa title at kahit na ano raw ang kasunod ‘wag lang ang murderer.

“Kaso matigas talaga ang ulo ko. Pinilit ko ang Martyr or Murderer na title at nailabas ko na rin sa social media kaya ayan na ang title ng second installment ng buhay ng pamilya Marcos sa panahon namatay si former senator Ninoy at nang na-exile ang pamilya Marcos sa Hawaii,” kwento ni direk Darryl.

Sinabi rin ni Sen. Imee na sa title pa lang ay nag-aaway na sila ni Direk.

“Hindi ko pa talaga napapanood ang preview

ng movie pero up tp this day, hindi pa kami nagkakaroon ng peace sa title,” tugon ng senadora.

Teka lang. Ang title ba na Martyr or Murderer ay isang rhetorical statement?

“The title is a question and a statement dahil tayong lahat naman, e, nagpapaka-tanga sa pamilya at sa pagibig. Nagiging martyr tayo sa maraming bagay. At siguradong marami na tayong taong napatay sa isip natin.

“The title is a rhetorical question and a statement,” paliwanag ni Direk.

Sa totoo lang ay maraming atensyon ang nakukuha ni direk Darryl dahil sa kanyang

“I’m angelic dahil sa truth is, bahay at simbahan lang ang laging lakad ko. But honestly, hindi kasi ako showbiz na tao, hindi lang ako sanay sa plastikan.

“Pero wala na akong magagawa dahil wala pa nga akong ginagawa pero nakakainis na ako. Marami na ang naiinis sa akin,” natatawa niyang sabi.

May kinatatakutan pa ba si direk Darryl?

“Im always brave because I’m always scared. Takot ako kay Sen. Imee, kay boss Vic (del Rosario) and kay boss Vincent.”

Since nabanggit na rin ni Darryl ang mga boss ng Viva Films, pinaliwanag na rin niya ang nangyaring sigalot sa kanilang pagitan lalo na nang may mga eksena yatang pinabubura ang kanyang producer ngunit ayaw niyang burahin. Ang kanyang sama ng loob na ‘yun ay pinost niya sa kanyang FB page.

“I always post how I feel and what I want and hindi ko siya bubirahin. Hindi ko lang naintindihan ang Viva films nu’ng una. I didn’t know kasi the repurcussions that I will cause of my bravery and it’s them protecting me and my movie. Pero ngayon naintindohan ko na ang lahat,” sabi pa ni direk Darryl.

Sa March 1, 2023 na ang showing ng pelikulang Martyr or Murderer na pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Beverly Salviejo, Elizabeth Oropesa, Isko Moreno at marami pang iba. JP Ignacio