Sen. Joel sapul ng COVID

Sen. Joel sapul ng COVID

August 19, 2022 @ 8:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isa nanamang senador ang nasapul ng COVID-19.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Senator Joel Villanueva nitong Huwebes na nagpositibo siya sa naturang sakit.

Ibinahagi ni Villanueva sa mga mamamahayag ang resulta ng kanyang reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) positive test.

Sinabi ng senador na ipinaalam na niya kay Senate President Juan Miguel Zubiri at sa kanyang mga kasamahan ang tungkol sa kanyang impeksyon.

Si Villanueva ang ikalimang senador na nagkasakit ng COVID-19 ngayong buwan.

Nauna nang nagpositibo sa COVID sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, at Grace Poe.

Naka-recover na si Cayetano, habang naka-quarantine pa rin sina Marcos, Villar, at Poe.

Kasunod ng serye ng mga impeksyon, hinigpitan ng Senado ang mga patakaran nito at nilimitahan ang mga bisita nito simula Agosto 15. RNT