Sen. Koko: Ilang indibidwal pinaaalis ang suporta ko kay Pacquiao

Sen. Koko: Ilang indibidwal pinaaalis ang suporta ko kay Pacquiao

July 14, 2021 @ 12:46 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Ibinunyag ni PDP-Laban executive vice chairman at Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na may ilang grupong nanawagan sa kanya na iatras ang suporta kay Senator Manny Pacquiao para sa darating na botohan.

 

“Di ko masabing [Energy Secretary Alfonso] Cusi and his camp ‘yon, pero may mga text tayong natatanggap na gano’n which I immediately dismissed,” lahad ni Pimentel sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Magugunitang bukas si Pimentel sa paghahayag ng kanyang suporta sa mga plano ni Pacquiao sa darating na botohan.

Hindi naman tinukoy ni Pimentel kung anong posisyon ang tatakbuhan ni Pacquiao. RNT/FGDC