Sen. Koko Pimentel nais dumistansya sa pagkakaaresto ni Jewel Lobaton

Sen. Koko Pimentel nais dumistansya sa pagkakaaresto ni Jewel Lobaton

October 15, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Senator Koko Pimentel na huwag siyang iugnay sa ulat ikol sa  pagkakaaresto ng kanyang ex-wife na si Jewel Lobaton.

Sa gitna ng mga ulat na naaresto ang dating beauty queen sa Laoag City sa estafa, umapela si Pimentel sa media practitioners sa kanyang social media accounts nitong Huwebes: “to desist from mentioning me or the Pimentel name in connection (with) news about the arrest of Jewel Lobaton.”

“The marriage has long been dissolved/declared null & void by the court & by the church. Meaning, Jewel Lobaton has no right to use the surname Pimentel,” giit ng Senate Minoity Leader.

Samantala, ilang netizen naman ang nakapansin na ginamit pa rin ang apelyido ng mambabatas sa mugshots ng Bilipininang Pilipinas Universe 1998 titleholder.

Na-annul ang kasal nina Pimentel at Lobaton noong 2018, ilang taon matapos silang maghiwalay noong 2012.

Ikinasal si Pimentel kay Kathryn Yu noong Oktubre 2018. RNT/SA