Sen. Robin, may mensahe sa mga corrupt!

Sen. Robin, may mensahe sa mga corrupt!

July 8, 2022 @ 8:09 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa Facebook live ni Senator Robin Padilla habang kausap ang ilang member ng media sa Senado ay nasabi nito na kailangang mag-resign ang mga government officials na sangkot sa corruption.

Sa pagpasok ng bagong administrasyon ni President Bongbong Marcos ay dapat tanggalin ang mga opisyales ng gobyerno na may ganitong problema.

Tanong ni Robin. “Bakit tanggalin lang?

“Alam n`yo, ang itinuro po sa akin ng Development Academy of the Philippines, dito sa ating bayan, kulang sa accountabilty ‘yung ating mga nakaposisyon sa gobyerno. Hindi puwedeng puro sorry.

“Kayo ay nanumpa sa harapan ng Panginoong Diyos at nanumpa sa harapan ng taumbayan na kayo ay magsisilbi at poproteksiyunan ninyo ang sambayanang Pilipino, tapos kayo ang mag-uumpisa ng kalokohan? Aba`y heinous crime para sa akin `yan,” sabi ni Sen. Robin.

Sabi pa ni Sen. Robin ay mas magandang magbitiw na lang sa tungkulin ang mga opisyales na sangkot sa mga corruption.

“Sa akin pong palagay, kung sino man po talaga ang mapapatunayan diyan, unang-una, mag-resign ka. Dapat uso na sa Pilipinas ‘yung ganyan, ‘yung resignation. Sana, magkaroon na tayo ng ganu`ng delicadeza.

Kasi rito, nakakapit pa rin doon sa posisyon niya.”

Desidido talaga si Senator Robin na matanggal o mawala na ang mga corrupt officials sa ating bansa. Gerry Ocampo