Senado, CA hinimok na palayain ang 2 Pharmally execs

Senado, CA hinimok na palayain ang 2 Pharmally execs

April 24, 2022 @ 9:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umapela sa Senado at Court of Appeals ang abogado ng dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na palayain na ang kanyang mga kliyente.

Sa Twitter post nitong Biyernes, iginiit ni Lawyer Ferdinand Topacio na hindi patas na ikinulong sina Pharmally director Linconn Ong at corporate secretary at treasurer Mohit Dargani.

“[The two] has been languishing in jail with no charges, much less a crime committed,” punto pa ni Topacio.

“Justice delayed is truly justice denied, not only for the litigants, but for their loved ones who also suffer, especially when the head of the family is unfairly imprisoned,” dagdag niya.

Una nang hiniling nina Ong at Dargani na mapalaya sila at sa halip ay maisailalim na lamang sa house arrest.

Sina Ong at Dargani ay nakakulong sa Pasay City Jail simula noong Nobyembre matapos na bigong makapagsumite ng financial documents ng Pharmally kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso sa umano’y maanomalyang kontrata sa kompanya sa pagbili ng COVID-19 supplies. RNT/ JCM