Senado, ebidensya sa korapsyon malakas vs PhilHealth officials

Senado, ebidensya sa korapsyon malakas vs PhilHealth officials

August 6, 2020 @ 2:22 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na malakas ang ebidensiyang hawak ng Senado kabilang ang testimonya ng ilang testigo hinggil sa katiwalian, korapsyon at mismanagement laban sa matataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa virtual press conference, sinabi ni Lacson na kayang magbuo ng malakas na ebidensya laban sa mga sangkot na dapat panaguting sa kasong kriminal at administratibo.

Sinimula ng Senate Committee of the Whole ang pag-imbestiga sa katiwalian at anomalya sa PhilHealth kaya nabuglar na umabot sa P15 bilyon ang naibulsa ng sinasabing sindikatong mafia sa ahensiya.

Sa ginanap na pagdinig, iginisa ng mga mambabatas ang mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni president at CEO Ricardo Morales, retiradong heneral alinsunod sa testimonya ng mga pangunahing saksi.

Kabilang sa inungkat ng Senado ang panukalang P2.1 bilyonng halaga ng information technology project na natuklasan ng state auditor na may anomalya dahil overpriced; kwuestionableng pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) at hinihinalang manipulasyon ng financial status ng ahensya.

“The answer is yes. There’s a strong case that may be filed against those who should be held criminally and administratively liable. That’s clear — not only in the testimonies but also in the documents,” ayon kay Lacson.

“Based on the documents that I have in my possession, I myself as an investigator even in my previous life can say that the documents would stand,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Lacson na maaaring sampahan ng kasong graft and corruption ang sinumang mapatutunayang sangkot sa sindikatong mafia partikular pagwawaldas ng salapi ng ahensya.

Nakatakdang imbestigahan muli ang katiwalian sa PhilHealth sa susunod na Martes, Agosto 11.

“I have my own conclusion, but it’s not for me to decide because this is the Committee of the Whole. We will incorporate [the findings] if there will be a recommendation for indictment of those possibly accountable. That’s where it will all come out.”

“But I have my own opinion because I was there the whole time that the hearing was being conducted,” giit pa ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na tanging recommendatory lamang ang committee report ng Senado.

“Transmit namin sa Ombudsman o kaya sa Department of Justice yung aming findings sa aming inquiry. Hanggang doon lang yun,” aniya. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...